Home » Post Item » Umagang Talakayan- July 7, 2009
Umagang Talakayan- July 7, 2009
July 13, 2009
AKO MISMO CAMPAIGN—epektibo ba sa ating mga Pilipino?
Last Monday (July 6, 2009) binasa ko ang Manila Collegian, ang opisyal na pahayagan ng University of the Philippines-Manila, nabasa ko doon ang isang article na “Itanong kay Isko’t Iska” at may tema tungkol sa”AKO MISMO” ng pamahalaan at may ganitong tanong—“ Sa tingin mo ba ay naiintindihan ng sambayanang Pilipino and konsepto ng “AKO MISMO”?
Lahat ng mga students na nagbigay ng opinion about this, lahat ay nagbigay ng negative na pahayag. Marahil dahil mga taga-UP sila kaya ganoon na lang ang galit nila sa gobyerno at saka mga aktibista siguro sila. Dahil dito, ako mismo gumawa ng sariling survey sa aking mga kaibigan at dating kaklase. Kung sa UP nagkakaisa sila na di effective ang “AKO MISMO” campaign, sa ginawa kong survey, halo-halo ang nagging kasagutan nila.
“Sa tingin mo, naiintindihan kaya ng mga Pilipino ang “AKO MISMO” campaign ng pamahalaan, ikaw anong pagkaintindi mo dito? Patotohanan mo.”
Sa 25 person na tinanong ko (via text) 20 lang ang respondents, 9 sa kanila ang nagsasabi na di effective ang kampanya, 5 ang sang-ayon na effective ang kampanya, 3 alanganin ang desisyon (nasa gitna siya, neutral) 3 ang walang malay sa kampanya.
Ito ang mga nagging pahayag nila regarding this “AKO MISMO” campaign.
Jheca, 17
“Hindi! ang “AKO MISMO” nag-dedevelop ng individualism kung baga sarili lang ang iniisip!”
“Dapat yang “AKO MISMO” maging “TAYO MISMO”. Nagiging individualism kasi ito na para bang scripted na lang lagi ang ginagawa natin sa pang-araw-araw na buhay. Lagi natin iniisip yung pansarili nating kagustuhan, na isa ang technology sa mga naging sanhi nito! Dapat maging social conscious tayo! Diba ang kahirapan ay di lang naman isa ang nakakaranas kundi lahat which means di tayo ang may kasalanan kundi ang mga institution ng lipunan! Ang pamahalaan na may maling pamamalakad ang may kasalanan. Dapat mamulat tayo na ang nagging sanhi ng kahirapan ay ang mga institutions ng lipunan, dapat tayong makialam sa usaping panlipunan!”
Jhessie, 17
“Yung iba siguro naiintindihan nila yung “AKO MISMO”, hintayin na lang natin ang resulta ng campaign”
Lhovely, 17
“Yah! Especially yung mga kabataan.”
Vince, 18
“Ano po yung “AKO MISMO”? Hindi ko po alam yun eh…joke, alam ko yan noh! Putang inang gobyerno na iyan! Nagpapalabas pa ng ganyang kampanya na wala naming maidudulot na mabuti kundi pagkakagastusan! Hayop ka IKAW MISMO yun Gloria nagpapa-ayos ng boobs! Malande! Poocha ka! Ang “AKO MISMO” campaign nay an di dapat tangkilikin! Boycott!”
Kael, 17
“Ang “AKO MISMO” campaign na yan, walang epekto sa atin, bakit? Di naman kailangan pa ng ganitong mga kampanya para malaman kung mahal natin ang bayan natin, dapat sa sarili natin ito simulan hindi sa pagbili ng “AKO MISMO” stuff tulad ng sikat na sikat ng “AKO MISMO” dog tag. Sa pagbili ba ng “dog tag” ng “AKO MISMO” mapapatunayan mo na mahal mo ang bayan mo, “dog tag” lang ba ang katumbas ng bayan mo? Hindi diba? Tanga ka kung sasabihin mo na ito lang ang katumbas ng bayan mo. Dahil ba may suot ka na “AKO MISMO” dog tag mapapatunayan mo na mahal mo ang bayan mo? Hindi! Hinding-hindi! Marahil para nga sa ikabubuti ng bayan ang kampanya na ito pero wala itong maidudulot na mabuti kundi pagkakagastusan lang ng mga taong bayan at pagkakakitaan lang ng gobyerno. Hwag na nilang sabihin na kampanya ito, sabihin na lang nila na negosyo nila ito. At tayo naman, hindi dapat “AKO MISMO” kundi “TAYO MISMO” at dapat “ORA MISMO”!
Leeyzie, 18
“Hindi effective yung campaign na yan ng government kung titignan ang gawa nating mga Pilipino. Pero kung io-audit ng government kung ilan ang bumili ng bumili ng lintik na “AKO MISMO” dog tag, sa malamang ay maging positive ang resulta ng kampanya. Sa totoo lang kaya lang naman bumibili ang mga tao ng “AKO MISMO” dog tag na yan eh dahil sa mga celebrity endorsers nito at dahil na rin sa uso ito, naging FASHION TREND na lamang ito ng Pilipino at para masabi na sumusuporta sa “AKO MISMO” campaign at itinatangi ang bayan.
Trisha, 17
“For me, ewan, dami kasi pwede i-meaning sa phrase na “AKO MISMO”, ni-nosebleed ako! Internal hemorrhage! Kaya ayun, depende rin siguro sa mas nakakaalam nun. Kasi ako di ko maxado naiintindihan yun , marami na nga ako problema sa buhay, maisip ko pa ba yan, hmm?”
Cherry, 17
“Aba, oo naman naiintindihan ko ng konti! Pag sumali ka kasi dun mo ma-eexpress mo yung pagka-Pilipino mo thru country service lalo na nga pag sa pagbabantay ng boto, saka kahit sa ganitong edad nagkakaroon agad tayo ng responsibility na ipagmalaki ang bansa natin.”
“Effective ang campaign na yun kasi maraming youth ang naaakay sa tamang gawain.”
Christian, 22
“Yun! Anong malay ko doon? Wala akong alam dyan, napapanood ko lang sa TV yung commercial ng “AKO MISMO” pero hindi ko alam na kampanya yun para sa bayan, akala ko eh eklabu lang yun! Ganda ni Angel Locsin!”
Abby, 25
“Wala akong say dyan day, basta bumili lang ako ng tag na may nakalagay na “AKO MISMO” kasi suot ni Eli Beundia yun, fan ako non. Kung effective yung kampanya nila, siguro malamang kasi para sa akin walang effect yung kampanya pero malay mo sa iba, dinidibdib nila yung pagsusuot ng tag ng “AKO MISMO” at tumutupad sa mga vows nila for the country. Ako kasi hindi ko kaya yun. Hahahaha!”
Criztina, 27
“Oo, effective yun kasi yung mga taong kakilala ko na may suot na “AKO MISMO” tag eh medyo tumino na ang pag-uugali. Kaya nakibili na din ako ng tag na yun baka sakaling tumino din ako.”
Joan, 21
“Yes! Kasi ako mismo sa sarili nangako na magiging responsible ako sa bayan natin at tinutupad ko yun at saka ayun din nadala ako ng commercial sa TV, tuwing napapanood ko yun, naaalala ko yung pinangako ko sa bayan natin. “AKO MISMO” tutulong para sa ikabubuti ng bayan!”
Jasmine, 20
“Di nila naiintindihan kung ano yung “AKO MISMO”, hindi naman kailangan pa ng ganitong kampanya, kung titignan natin sa isang aspeto, katungkulan natin na itaguyod ang bayan dahil tayo ang mga mamamayan nitong Pilipinas. Isa alng itong survey din na pinagkakakitaan ng pamahalaan.”
Tenten, 18
“Marami yata ang hindi agree kaya hindi din ako agree sa “AKO MISMO” campaign. Hehe, gusto lang nila ng tag ng “AKO MISMO”.
Ahdi, 17
“Ang sabi ng prof namin wala daw kwenta yang “AKO MISMO”, pakulo lang yan ng gobyerno para iligaw ang mga tao sa tunay na isyung panlipunan, pero wala yang effect, kung titignan ang tunay na layunin ng campaign, kinaaadikan lang ng mga tao yung mga stuff ng “AKO MISMO”.
Ernie, 29
“Hindi naiintindihan ng taong bayan ang “AKO MISMO”campaign. Sa totoo lang yung mga taong nabili ng dog tag ng “AKO MISMO” at isasabit sa mga leeg nila, nagmumukhang mga aso na uto-uto sa kampanya ng gobyerno, nagsasayang lang ng pera. Mas mabuti pa eh yung 40 na pinambili nila nun eh ibigay na lang nila sa mga batang namamalimos, nakatulong pa sila para maitawid sa gutom yung mga bata kahit 1 araw lang.”
Jhay, 26
“Malamang yung iba naiintindihan yung tunay na essence ng “AKO MISMO” campaign pero yung ilan hindi nila naiintindihan, bumibili lang sila ng tag para masabi na sila mismo pero siguro yung iba gumagawa beyond dun sa dog tag lang na yun.”
Cheeky, 19
“Tigilan mo nga ako, alam mong taong bundok ako, wala akong malay dyan at kung tatanungin mo kung bakit may kwintas ako ng “AKO MISMO” eh bigay lang sa akin toh at saka ayun cute kasi pero wala akong malay na kampanya toh ng government. Echendez!”
Anna, 14
“Oo, kasi ako mismo sa sarili ko tumutupad sa pinangako ko sa harap nung tag ng “AKO MISMO” at saka sa bansa natin! Proud to be Filipino ako! Ang “AKO MISMO” campaign isinagawa para hikayatin ang mga tao lalo na yung mga kabataan na maging responsible sa bayan at gumawa para sa ikauunlad nito.”
Ron, 23
“Hindi nila naiintindihan yun, kahit ako di ko nga alam yun, hindi naman sapat lang na mag-suot ka lang ng “AKO MISMO” tag eh masasabi mo na mahal mo ang bayan mo at naglilingkod ka sa kanya.”
Ito ang say ng mga friends, textmates at former classmates ko. Ito naman ang akin:
“ Ang kampanya na “AKO MISMO”, hindi effective, utang na loob di naman kailangan ng tag ng “AKO MISMO” para masimulan mo ang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan. Dapat sa sarili natin simulan yun, sa kapwa, sa sambayanang Pilipino. Ano naman kung may suot ka na “AKO MISMO” tag sa leeg mo, anting-anting ba yan na kapag sinuot mo eh mamahalin mo na ang bayan mo at handa ka nang mamatay para dito? Hindi naman diba. Una pa sa lahat, ang mga tao na bumibili ng tag ng“AKO MISMO” ay bumibili lang pang-fashion nila at dahil na rin sa mga sikat sa celebrities na endorsers ng “AKO MISMO” sa TV. Nagiging isa ka lang sa mga nauto ng gobyerno na bumili nito. Nawala na ang tunay na essence ng “AKO MISMO” campaign at naging isa na lamang itong pagkakagastusan ng mga Pilipino. Kung ikaw gusto mo simulan ang paglilingkod sa bayan, simulan mo sa paggawa ng good deeds hindi sa pagbili ng tag, Itaga mo yan sa bato at ipasok mo sa kokote mo kung mayroon ka.”
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



